rightcolbanner

vox populi
issuu

dailyvideo

Style mo bulok, Baguhin mo na

Kriiiiing! Akala mo siguro'y maaga pa. Nagawa mo pang magmuni-muni sa iyong higaan. Aba, aba, aba! Sino pa ang inaasahan mong magligpit sa iyong higaan. Pagkaligo mo'y para kang ahas na nag-iiwan ng pinaghunusan sa daraanan. Uniporme, sapatos, medyas, almusal at malaking allowance... ang swerte mo nama't handa nang lahat. Teka lang, tila may takdang-aralin kang nakaligtaan. Kung may tinig lamang ang mga kuwaderno at librong hindi mo man lamang binubuklat, marahil ay matagal ka nang hiniyawan.

Ang mga eksenang ito'y ilan lamang sa mga nagaganap sa buhay ng isang pangkaraniwang estudyanteng kahit kaila'y hindi na yata gumawa ng takdang-aralin. Ang paggawa ng isang takdang-aralin ay kaakibat na ng buhay-eskwela at kung ayaw mo nama'y isa lamang ang sagot diyan, tanggapin mo ang walang tigil na pagbubunganga mula sa mga magulang mong abot-langit ang pag-asang makakakuha ka ng mataas na marka. Ano ba naman kasi ang pinaggagagawa mo? Siguradong tumutok ka na naman sa tv. Paano nga naman maaalalang bisitahin ang mga takdang aralin e naibaling mo na ang iyong atensyon sa walang kapararakang bagay.

Bakit di mo subukang baguhin ang "lifestyle" mo? Kung palagi ka na lamang tinatamad, narito ang ilang paraan upang ganahan ka naman sa paggawa ng iyong takdang-aralin.

Piliin ang oras kung saan alam mong tapos na ang lahat ng gawaing-bahay upang hindi ka mangambala.

HUWAG NA HUWAG gagawa ng takda nang may kaharap na telebisyon, cellphone, computer, radyo at kahit anong bagay na aagaw sa iyong atensyon.

Mahalaga rin ang pagpili ng tamang lugar na paggagawaan, ang komportable, tahimik at maaliwalas na lugar ay makapagpapanatili sa iyong konsentrasyon.

Bagamat dapat na maging komportable ang lugar, huwag namang napakakomportable na halos ikaantok mo na.

Sa paggawa ng takdang-aralin, siguraduhing bago matulog ay nabisita nang lhat ang mga kuwaderno at nakapag-advance reading na rin para sa bagong aralin kinabukasan.

Bukod sa mga nabanggit na, maaari mo namang gawin ang iyong takdang-aralin sa iyong paaralan kung bakante ang iyong oras.

Tandaan, oras ay tipirin pagkat ginto ang kahambing.

by Cathy Arabis

Posted by The Malolos Academe on 2:58 AM. Filed under . You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0

0 (mga) komento for Style mo bulok, Baguhin mo na

Leave comment

Recent Entries

Recent Comments

Photo Gallery


Designed by Solaranlagen | Customized for The Malolos Academe by J.D. Lim