Ikinintal ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa isipan ng bawat kabataan ang isang responsibilidad na iahon ang bansang Pilipinas mula sa kasadlakan sa kahirapan. Ito ay isang bisyon na maikakabit sa palasak na kasabihang, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Inaasahan ang mga kabataan na magsisilbing daan tungo sa pagkakaroon ng isang bansang matuwid. Kung kaya’t ang edukasyon ang itinuturing na pinakamabisang paraan upang mapaunlad ang Pilipinas.
Sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, hindi lahat ng mga kabataan ay nabibigyan kaagad ng trabaho pagkatapos makuha ang katibayan ng pagtatapos o diploma. Kung susuriin, ang kailangan upang mapadali ang pagkuha ng trabaho pagkatapos mapagtagumpayan ang kursong pinag-aralan ay ang nilalayong pagpapatupad ng isang programang tinatawag na K+12 sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon
Ang K+12 ay isang programa na tumatalakay sa pagdaragdag ng dalawang higit pang taon sa pangunahing edukasyon sa bansa. Sa halip na anim na taon sa elementarya o mababang paaralan at apat na taon sa sekondarya o mataas na paaralan, madadagdagan ito ng dalawang taon pa mula sa ika-apat na antas sa sekondarya. Magkakaroon ng dagdag na mga asignatura na magpapakilala sa mga kasanayang bokasyonal at teknikal tulad halimbawa ng paghihinang, operasyon sa makina at mga pagsasanay para maging tekniko ng kompyuter at tekniko ng elektronik.
Masasabi na ang pagkakaroon ng K+12 ay magpapadali sa paghahanap ng trabaho dahil kaya na nitong makipagsabayan sa ibang bansa na hindi na kinakailangang mag-aral pa ng dalawang taon. May sapat na kaalaman na ang mga Pilipino ukol sa ibang bagay na magiging sanhi ng pagkakaroon kaagad ng trabaho na tutugma sa kanilang napagtapusan.
Tunay nga na masasalamin ang kapakinabangan at kagandahang hatid ng K+12. Sa tulong nito, mapagyayabong ng bawat kabataan ang kanilang mga kaalaman at kakayahan. Ang K+12 ang kanilang magiging matatag na pundasyon ukol sa pagkakaroon ng maayos na estado ng pamumuhay. Subalit makikita din sa K+12 ang pagsasa-alang-alang ng salapi na ilalaan sa pag-aaral ng bawat kabataan.
Bagama’t may mga kabataan sa kasalukuyan na hindi nakakapag-aral dahil sa kawalang pinansyal, isang malaking hamon sa lahat ang kung paano malulunasan at malalabanan ang kahirapan sa pamamagitan din ng edukasyon sa kasalukuyang panahon.
by Marly Nicorina Lopez
“Kuya, kuya, nakakita ka na ba ng isanlibong lumilipad?”
- Deadma.
“Kuya, kuya..”, (kung maka-kalabit).
- “Hmm?”
“Nakakita ka na ba ng isanlibong lumilipad?”
- “Isanlibong ano?”
“Isanlibo. ‘Yung pera?”
- “Ah. Hindi pa.”
“Talaga? Kasi ako... nakakita na.”
Kung marunong kang magbasa, basahin mo ‘to. Hindi kita pinipilit, pero pakiusap lang.
Ang iyong mababasa ay kwento ng isang bata na itago nalang natin sa pangalang Dino. Kaya ko lang naman tinago kasi ‘di ko naman talaga alam ang pangalan n’ya. Isa s’yang takatak vendor na nakasabay ko sa isang jeep, na halos lahat yata ng flavor ng Dynamite na kendi ay tinda n’ya – mint, lemon, strawberry, pati yata malunggay flavor mayroon s’ya, bukod sa mga sigarilyo at mga maning hubad sa gilid ng kanyang sisidlan.
‘Di karungisan si Dino. Mapupungay ang mga mata. Makikita sa kanyang hubog na mukha at katawan ang kamusmusan na sa murang edad na sampu ay pinipilit nang maghanap-buhay.
Nakaupo kaming dalawa sa dulo ng jeep. Mahirap naman kasi kung nakatayo. Nakakatakot pa nga noong una kasi mukha s’yang magnanakaw. Bukod kasi nakatitig s’ya sa nakaluwang wallet sa aking bulsa, ay hindi pa maganda ang tingin sa akin. Naiba ang aking impresyon noong s’ya ay nagsalita nang may pumarang babae para bumaba.
“Ingat po, Ate.”
Akala ko ay kilala n’ya ang babaeng bumaba ng jeep, hanggang sa may isa pang bumaba na lalaki.
“Ingat po, Kuya.”
Sa isip isip ko lang. Aba! Kamusta naman itong bata ito. S’ya ba ang napiling tagasabi ng “Ingat.” sa mga bumababa sa jeep na ito? Nangingiti lahat ng pasahero sa kanya, hindi ko alam kung nababaitan sila o trip lang nilang ngumiti.
Sa kalagitnaan ng ingay ng tambutso.
“Kuya, kuya, nakakita ka na ba ng isanlibong lumilipad?”
- Deadma.
“Kuya, kuya..”, (kung maka-kalabit).
- “Hmm?”
“Nakakita ka na ba ng isanlibong lumilipad?”
- “Isanlibong ano?”
“Isanlibo. ‘Yung pera?”
- “Ah. Hindi pa.”
“Talaga? Kasi ako... nakakita na.”
O ‘di ba paulit ulit. Para maintindihan mo ang buong istorya.
Naglaro sa aking isipan kung ano ang mayroon sa isang libong perang papel na lumilipad. Bukod kasi sa hindi ko naman tinatanong kung nakakita na s’ya o hindi, ay napansin kong nangilid ang kanyang mga luha habang binibigkas ang kanyang punchlines.
Habang pauwi galing sa palengke, naisipan ng kanyang ina na ipapalit ang kanyang kinita para sa kanyang ipon sa pagtitinda ng isda. Isanlibo at mga barya. Ulila na s’ya sa ama dahil namatay ito ng maaga matapos s’yang ipanganak. Mayroon din s’yang nakakatandang kapatid nguni’t namatay din ito dahil sa karamdaman.
Nakakita s’ya ng nagtitinda ng dirty ice cream sa gilid ng kalsada. Humingi s’ya ng barya sa kanyang ina upang bumili. Sabi ng kanyang ina ay mauuna na itong tumawid at hihintayin na lamang sa kabilang kanto. Nang tatawid na ang kanyang inang pagod na pagod sa kalsada ay hindi n’ya napansin ang paparating na malaking traktora.
Nasagasaan ito. Nabitawan ang isanlibong perang papel na hawak, at lumipad papunta sa walang malay na anak. Tumingala si Dino sa nakitang perang papel na lumilipad na huminto sa kanyang harapan. Hindi n’ya ito pinansin.
Pagtalikod n’ya paharap ng kalsada ay nagkakagulo ang mga tao. Mga taong walang kayang gawin upang iligtas ang buhay na naghihingalo. Hinawi ng bata ang lahat ng baywang na makita n’ya hanggang sa masilayan n’ya ang kanyang inang nakahandusay sa malamig na lupa, na walang malay at patay na.
Mabilis lamang ang kanyang pagsasalaysay, kasing bilis ng tibok ng aking puso ng mga sandaling iyon.
Hindi ko na inisip kung niloloko ba ako ni Dino o hindi. Hindi ko na pinansin kung nagpapaawa ba s’ya o hindi. Hindi ko naisip kung gaano kasakit ang sinapit n’ya. Hindi ko na rin natanong kung saan s’ya nakatira at kung ilang taon s’ya noong nangyari iyon.
Ang tanging naisip ko lang ay ang ipinapakitang katatagan ng isang musmos na bata. Sa kabila ng masaklap na pangyayari sa kanyang buhay ay nakukuha pa n’yang ngumiti ng tunay at makipagkapwa-tao. Hindi n’ya naisip na ipariwara ang kanyang buhay, samantalang ang ibang kabataan ay nasasangkot pa sa masama samantalang nasa kanila na ang lahat ng kanilang kailangan at gusto – pamilya, kaibigan, edukasyon, salapi, karangyaan, pag-ibig at facebook.
‘Wag kang mag-alala. Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Dino. Kung bakit sila mahirap at kung bakit namatay ang mga mahal n’ya sa buhay. Hindi rin n’ya ginustong maging dukha at dumi sa lipunan.
Mahalin mo ang buhay mo. Mahalin ang ina at ama at mga kapatid. Magpatawad. Mag-aral ng mabuti. Magtipid. Bawasan ang mga luho. Maghinay hinay sa pag-ibig. At gawing minsanan ang pag-o-online sa Facebook.
Walang malas na isinilang. Isa ka lang sa mga mas masuswerteng ipinanganak dito sa daigdig.
Ikaw? Nakakita ka na ba ng isanlibong lumilipad? Ako kasi hindi pa, at ayaw kong makakita kahit kailan.
“Ingat po mga Ate at Kuya.”
ni Roseller Simbulan Jr.
Kriiiiing! Akala mo siguro'y maaga pa. Nagawa mo pang magmuni-muni sa iyong higaan. Aba, aba, aba! Sino pa ang inaasahan mong magligpit sa iyong higaan. Pagkaligo mo'y para kang ahas na nag-iiwan ng pinaghunusan sa daraanan. Uniporme, sapatos, medyas, almusal at malaking allowance... ang swerte mo nama't handa nang lahat. Teka lang, tila may takdang-aralin kang nakaligtaan. Kung may tinig lamang ang mga kuwaderno at librong hindi mo man lamang binubuklat, marahil ay matagal ka nang hiniyawan.
Ang mga eksenang ito'y ilan lamang sa mga nagaganap sa buhay ng isang pangkaraniwang estudyanteng kahit kaila'y hindi na yata gumawa ng takdang-aralin. Ang paggawa ng isang takdang-aralin ay kaakibat na ng buhay-eskwela at kung ayaw mo nama'y isa lamang ang sagot diyan, tanggapin mo ang walang tigil na pagbubunganga mula sa mga magulang mong abot-langit ang pag-asang makakakuha ka ng mataas na marka. Ano ba naman kasi ang pinaggagagawa mo? Siguradong tumutok ka na naman sa tv. Paano nga naman maaalalang bisitahin ang mga takdang aralin e naibaling mo na ang iyong atensyon sa walang kapararakang bagay.
Bakit di mo subukang baguhin ang "lifestyle" mo? Kung palagi ka na lamang tinatamad, narito ang ilang paraan upang ganahan ka naman sa paggawa ng iyong takdang-aralin.
Piliin ang oras kung saan alam mong tapos na ang lahat ng gawaing-bahay upang hindi ka mangambala.
HUWAG NA HUWAG gagawa ng takda nang may kaharap na telebisyon, cellphone, computer, radyo at kahit anong bagay na aagaw sa iyong atensyon.
Mahalaga rin ang pagpili ng tamang lugar na paggagawaan, ang komportable, tahimik at maaliwalas na lugar ay makapagpapanatili sa iyong konsentrasyon.
Bagamat dapat na maging komportable ang lugar, huwag namang napakakomportable na halos ikaantok mo na.
Sa paggawa ng takdang-aralin, siguraduhing bago matulog ay nabisita nang lhat ang mga kuwaderno at nakapag-advance reading na rin para sa bagong aralin kinabukasan.
Bukod sa mga nabanggit na, maaari mo namang gawin ang iyong takdang-aralin sa iyong paaralan kung bakante ang iyong oras.
Tandaan, oras ay tipirin pagkat ginto ang kahambing.
by Cathy Arabis
You are embarking on a brand new chapter of your lives and it's natural to feel surge over and submerge. But help is flying around the corner and it is up to you to seize it.
You woke up on your first day to find that your life has totally changed. For the next four years you will be a college student, when few months ago you hung out with friends in your high school playground.
Suddenly it's up to you to attend classes, handle your finances, do your laundry, sit for exams, manage your time and hang out with friends. In other words, you've become independent!
However, as exciting as some students are to live what adults usually call "the best time of their lives," many have their fears and worries. The change can be overwhelming, but guess what? It's cool! It's okay to be worried; It's okay to wonder.
Feeling lonely? Seems like everybody knows everyone else? Guess again. That's not true. All students are trying to get a foot in the door and you are no exception. Some show their fears and some don't.
Opening point
New students usually face many challenges when they enter college. This happens because attending college is a major turning point in the life of a young adult. It is as significant as getting married or getting a job for the first time.
Helping students
Adapting to the new university life is not easy, which is why universities hold an orientation program for freshmen to help them get acquainted with the rules, services, faculty and staff. Students come from various backgrounds, cultures and educational systems. Holding an orientation activity helps the neophytes bridge the gaps slowly.
During orientation students are informed about university life. They learn their rights and responsibilities. They also meet the faculty members and staff for their academic and other related concerns.
If you are reading this now, you probably remember your orientation day.
Missing home
But what most freshman students struggle with when they enter college? The most common challenges are anxiety, stress, loneliness and homesickness.
Anxiety is to be afraid of the unknown. Most new students are worried about getting passing grades, not graduating yet. Moreover, they worry about not choosing the right course and not proving themselves to their families, friends and teachers.
Stress is also common because of the pressure to learn how to adapt to a new educational system - if you come from a segregated system or vice-versa - get accustomed to instructors, make new friends and live in a diverse school environment.
Struggling with new-found independence, responsibility and homesickness is also expected.
Sharing your feelings
It is said that the healing process starts when one admits there is a problem. So, if you feel that you are stressed, cannot sleep or always worried, seek help.
Students can get support from teachers, class advisers, and most importantly from personal or student counselors. They should talk about their problems and seek assistance. These issues are easy to handle with professional support and are hard to solve on their own.
Last words
Enjoying college life is a combination of many elements: choosing the right course, making friends, enjoying independence and learning new things.
We need to succeed in college because the correlation is high between happiness and success. Happiness is a mental decision we make, followed by some actions we take and some bad habits we break. So enjoy your college life as much as you can.
ni Marc Angelo Flores Mangubat
Tiyak, marami ang sabik na pumasok sa kanilang unang taon sa kolehiyo. Iyung iba, sa sobrang excitement ay wagas ang paghahanap ng kanilang mga magiging kaklase sa Facebook. Pero sigurado ako na sa kanilang unang araw ay abot-langit ang magkahalong emosyon ng kaba at tuwa. May ilan naman na tila pasakit na naman ang pagpasok ng bagong school year. May ilan naman na tanaw na tanaw ang darating na Abril 2012 upang mapasakamay na ang minimithing diploma.
Subalit di kumpleto ang buhay Escolarian kung wala ang iba't ibang klase ng kaklase na ating nakakasama sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sila ang iyong seatmate, nakakasalubong sa lobby o nakakasakay sa jeep. May ilan na nagbibigay ng saya at nagdudulot ng matinding kilig. May ilan din naman na gusto mo nang ibaon sa lupa dahil sa hate na hate mo. Halina't kilalanin natin sila.
NINJA - Mga uri ng mag-aaral na ubod ng tahimik pagdating sa klase na wari ba'y nagtatago sa dilim lalo na tuwing recitations at pag-aasign ng mga report sa bawat studyante. Pero ingat ka, sabi nga ng matatanda: “ingat sa mga tahimik dahil kadalasang mababaksik.” Sa sobrang tahimik nila minsan aakalain mo na hindi sila nag-eexist. Pero malakas ang appeal ng mga tahimik dahil sa pagiging “mysterious” nila.
SMARTBRO – Mga nasa top-ten na estudyante na walang pakialam sa mga kaklase kahit na ubod ingay ng mga ito. Wari’y may satellite na nagsusupply sa kanila ng kaalaman. Mala-iCore7 ang kanilang processor at Windows 7 Ultimate ang kanilang utak sa pagpipick-up ng lessons sa klase. Pero minsan nagba-buffer din naman pag may nagiinterupt sa signal (alam nyo na yon). BRO ang tawag sakanya dahil sya ang sandigan ng mga kampon ng kadiliman tuwing Quiz at Exam.
PASSIVE RIVER – mga stagnant na estudyante na walang ginawa kung hindi sumabay sa agos ng kagustuhan ng nakararami kahit hindi niya alam kung para saan ang kanilang ginagawa. Kagandahan lang sa mga ganitong uri ng studyante ay masarap silang maging barkada dahil hindi sila pala kontra at sadyang masunurin lang sila. Kadalasan, naabuso din sila ng kapwa kamag-aral.
WEEWEEZARD – Mga Studyanteng madalas na gumamit ng magic sa kanilang mga guro upang makalabas sa kanilang klase. Walang silang sawang mag “wee-wee”(Umihi) sa bawat subject na kanilang pinapasok. Isa sa pinaka sikat na studyante sa klase dahil kilalang kilala sila ng mga Guro dahil palagi silang nagtataas ng kanilang kamay sa klase at banggit ng Magic Spell na “Maam, May I go out?”
ATTORNEY - Sila naman ang mga mahilig manguna sa pagrereport. Pang thesis defense ang mga sagot nito lalo na pag sila na ang magrereport. Marami silang example sa report nila na pang husgado ang detalye. Mahirap silang kontrahin dahil daig pa nila ang teacher mangaabisado ng report nila kahit walang powerpoint presentation. Magaling rin ang mga ito gumawa ng lusot pag sila ay nalalate at mag notary public ng mga excuse letters kapag kailangan sa re-admission slip.
ATHLETE'S FOOT - Mga basketball players, volleyball players, badminton players atbp na kaya lang yata pumasok sa paaralan ay para maging varsity players. Mas madalas pa silang magpraktis pra sa Sportsfest (malapit na!) kaysa pumasok sa kanilang klase. Ganado at mataas ang kanilang mga grades sa Physical Education (uno!).
REKLAMATION POINT – Sila yung mga namamaga na ung bibig sa kakareklamo sa mga simpleng problema sa eskwela. Galit kapag napasobra ang lamig ang aircon. Galit din pag nasira ang aircon o nag-blackout. 180/120 ang blood pressure nila pag ang mga exam ay hindi “scantron” at puro identification at essay lamang. Dumarating sa point na mala-M16 na ang kanilang bibig sa kakareklamo sa mga student fees na binabayaran tuwing enrollment (pero nagbabayad pa din).
VAIN ELEMENTAL – Mga estudyanteng sobrang conscious sa kanilang mga sarili. Sila ang mga estudyante na di mo alam kung pupunta ba sa taping o eskwelahan dahil imbes na notebook at libro ang laman ng bag na may laman na sangkatutak anu-ano pang pampaganda. Kapag nakakasalubong mo sila eh di mo alam kung may pupuntahan ba siyang debut o party. Todo rin magspray ang mga ito ng kanilang flavors este pabango. Minsan pag nakaamoy ka ng strawberry scent sa klase, eh alam mo na yon.
INLABABO – Sila ung nag-aral upang maghanap ng lovelife. Madalas nilang pag-usapan ang kanilang buhay pag-ibig kaysa sa kanilang mga lessons at assignments. Minsan nalulunod na sila sa sobrang pag-papairal ng kanilang puso kaya naman minsan ay walang homework o kaya lutang sa klase lalo na pag sumasapit na ang buwan ng pebrero(yehey!). Mas Marami pa ang oras nila sa pagte-text sa kanilang mga irog kesa sa pagre-review sa darating na prelims.
DUAL CITIZEN – Mga lalaking studyanteng napaka mysteryoso pagdating sa klase at bihira itong makisama sa basketball ng magbabarkada. Kadalasan ay sikat sila at “ayyy pogi!” pero kahit gaano pa kalakas ang sigaw mo ng “pogi” habang sya ay naglalakad sa corridor ay hindi ito lilingon, tahimik lang at hindi ka nito papansinin kahit anong pagpa-pacute mo sakanya. Pero pag may mga grupo ng babaeng sumigaw ng “Giiiirrrrlll!!” at sya ay lumingon… Alam mo na!
SNIPER – Mga studyanteng magaling umasinta ng chicks sa klase. Hindi sila nagmimintis sa pagkilala sa lahat ng magagandang chicks sa buong unibersidad at malamang friend niya itong lahat sa Facebook at kadalasan alam pa niya ang mga number nito. Kapag pumasok na sila sa klase ay mas madalas nilang tignan ung kanilang magagandang kaklase kesa sa blackboard at ang kanilang guro. At nakaabang palagi sila sa corridor upang makahanap sila muli ng bagong target.
GEEKMYTHOLOGY – mga studyanteng ihinalintulad sa libro ng mga griego. Sila ang hari ng IQ test at kabisado lahat ng 649 na pokemon. Pag nakakita ka sa hallway mapapa ZEUS! ka nalang as in ZEUS maryosep! Dahil sa itchura’t katawan nitong mala Adonis na naka “geeky glasses. “ Pero wag ismolin ang mga ito baka sya pa ang sumagot ng statistics assignment mo, o kaya magulat ka’t sya pala ay pangulo ng Honors’ Society o kaya ang Editor-in-Chief ng “The Malolos Academe”
JOWKLA - ang mga kwelang beki na clown ng isang klase. Hindi mawawala sa bawat section ang isang komikera na laging may dalang mga jokes at walang katapusang pang-ookray sa kanilang mga nakikita. Minsan hindi mo alam kung classroom o comedy bar ba ang napasukan mong klase sa sobrang kwela nila. Masarap silang kasama kapag maluha-luha ka na sa lungkot at lumbay pero andyan parin sila para paiyakin ka sa kakatawa.
WARLORDS – ang mga studyanteng pumasok upang maki-digma sa kanilang mga kaklase sa larangan ng DOTA. Mas madalas silang nasa “Home Base” (Computer Shop) kaysa sa kanilang mga klase. Kapag pumasok naman sila sa klase mas marami pa yung napag-usapan nila tungkol sa kanilang mga plano sa susunod na laro at sino-sino ang magkakampi, summary ng laro, at madalas mo rin maririnig sa kanila ang salitang “Bote-Crow, Roshan, at Jumong” at hindi nawawala sa kanilang usapan ang magiting na bayaning si “NEVERMORE”
Sigurado ako na isa sa kanila ay nakatagpo mo na. Malamang din na nakita mo ang sarili mo sa isa sa kanila. Kaya sigurado kami, na kung wala sila, walang buhay ang unibersidad.