rightcolbanner

vox populi
issuu

dailyvideo

KA-KLASMATE

ni Marc Angelo Flores Mangubat

Tiyak, marami ang sabik na pumasok sa kanilang unang taon sa kolehiyo. Iyung iba, sa sobrang excitement ay wagas ang paghahanap ng kanilang mga magiging kaklase sa Facebook. Pero sigurado ako na sa kanilang unang araw ay abot-langit ang magkahalong emosyon ng kaba at tuwa. May ilan naman na tila pasakit na naman ang pagpasok ng bagong school year. May ilan naman na tanaw na tanaw ang darating na Abril 2012 upang mapasakamay na ang minimithing diploma.

Subalit di kumpleto ang buhay Escolarian kung wala ang iba't ibang klase ng kaklase na ating nakakasama sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sila ang iyong seatmate, nakakasalubong sa lobby o nakakasakay sa jeep. May ilan na nagbibigay ng saya at nagdudulot ng matinding kilig. May ilan din naman na gusto mo nang ibaon sa lupa dahil sa hate na hate mo. Halina't kilalanin natin sila.

NINJA - Mga uri ng mag-aaral na ubod ng tahimik pagdating sa klase na wari ba'y nagtatago sa dilim lalo na tuwing recitations at pag-aasign ng mga report sa bawat studyante. Pero ingat ka, sabi nga ng matatanda: “ingat sa mga tahimik dahil kadalasang mababaksik.” Sa sobrang tahimik nila minsan aakalain mo na hindi sila nag-eexist. Pero malakas ang appeal ng mga tahimik dahil sa pagiging “mysterious” nila.

SMARTBRO – Mga nasa top-ten na estudyante na walang pakialam sa mga kaklase kahit na ubod ingay ng mga ito. Wari’y may satellite na nagsusupply sa kanila ng kaalaman. Mala-iCore7 ang kanilang processor at Windows 7 Ultimate ang kanilang utak sa pagpipick-up ng lessons sa klase. Pero minsan nagba-buffer din naman pag may nagiinterupt sa signal (alam nyo na yon). BRO ang tawag sakanya dahil sya ang sandigan ng mga kampon ng kadiliman tuwing Quiz at Exam.

PASSIVE RIVER – mga stagnant na estudyante na walang ginawa kung hindi sumabay sa agos ng kagustuhan ng nakararami kahit hindi niya alam kung para saan ang kanilang ginagawa. Kagandahan lang sa mga ganitong uri ng studyante ay masarap silang maging barkada dahil hindi sila pala kontra at sadyang masunurin lang sila. Kadalasan, naabuso din sila ng kapwa kamag-aral.

WEEWEEZARD – Mga Studyanteng madalas na gumamit ng magic sa kanilang mga guro upang makalabas sa kanilang klase. Walang silang sawang mag “wee-wee”(Umihi) sa bawat subject na kanilang pinapasok. Isa sa pinaka sikat na studyante sa klase dahil kilalang kilala sila ng mga Guro dahil palagi silang nagtataas ng kanilang kamay sa klase at banggit ng Magic Spell na “Maam, May I go out?”

ATTORNEY - Sila naman ang mga mahilig manguna sa pagrereport. Pang thesis defense ang mga sagot nito lalo na pag sila na ang magrereport. Marami silang example sa report nila na pang husgado ang detalye. Mahirap silang kontrahin dahil daig pa nila ang teacher mangaabisado ng report nila kahit walang powerpoint presentation. Magaling rin ang mga ito gumawa ng lusot pag sila ay nalalate at mag notary public ng mga excuse letters kapag kailangan sa re-admission slip.

ATHLETE'S FOOT - Mga basketball players, volleyball players, badminton players atbp na kaya lang yata pumasok sa paaralan ay para maging varsity players. Mas madalas pa silang magpraktis pra sa Sportsfest (malapit na!) kaysa pumasok sa kanilang klase. Ganado at mataas ang kanilang mga grades sa Physical Education (uno!).

REKLAMATION POINT – Sila yung mga namamaga na ung bibig sa kakareklamo sa mga simpleng problema sa eskwela. Galit kapag napasobra ang lamig ang aircon. Galit din pag nasira ang aircon o nag-blackout. 180/120 ang blood pressure nila pag ang mga exam ay hindi “scantron” at puro identification at essay lamang. Dumarating sa point na mala-M16 na ang kanilang bibig sa kakareklamo sa mga student fees na binabayaran tuwing enrollment (pero nagbabayad pa din).

VAIN ELEMENTAL – Mga estudyanteng sobrang conscious sa kanilang mga sarili. Sila ang mga estudyante na di mo alam kung pupunta ba sa taping o eskwelahan dahil imbes na notebook at libro ang laman ng bag na may laman na sangkatutak anu-ano pang pampaganda. Kapag nakakasalubong mo sila eh di mo alam kung may pupuntahan ba siyang debut o party. Todo rin magspray ang mga ito ng kanilang flavors este pabango. Minsan pag nakaamoy ka ng strawberry scent sa klase, eh alam mo na yon.
INLABABO – Sila ung nag-aral upang maghanap ng lovelife. Madalas nilang pag-usapan ang kanilang buhay pag-ibig kaysa sa kanilang mga lessons at assignments. Minsan nalulunod na sila sa sobrang pag-papairal ng kanilang puso kaya naman minsan ay walang homework o kaya lutang sa klase lalo na pag sumasapit na ang buwan ng pebrero(yehey!). Mas Marami pa ang oras nila sa pagte-text sa kanilang mga irog kesa sa pagre-review sa darating na prelims.

DUAL CITIZEN – Mga lalaking studyanteng napaka mysteryoso pagdating sa klase at bihira itong makisama sa basketball ng magbabarkada. Kadalasan ay sikat sila at “ayyy pogi!” pero kahit gaano pa kalakas ang sigaw mo ng “pogi” habang sya ay naglalakad sa corridor ay hindi ito lilingon, tahimik lang at hindi ka nito papansinin kahit anong pagpa-pacute mo sakanya. Pero pag may mga grupo ng babaeng sumigaw ng “Giiiirrrrlll!!” at sya ay lumingon… Alam mo na!


SNIPER – Mga studyanteng magaling umasinta ng chicks sa klase. Hindi sila nagmimintis sa pagkilala sa lahat ng magagandang chicks sa buong unibersidad at malamang friend niya itong lahat sa Facebook at kadalasan alam pa niya ang mga number nito. Kapag pumasok na sila sa klase ay mas madalas nilang tignan ung kanilang magagandang kaklase kesa sa blackboard at ang kanilang guro. At nakaabang palagi sila sa corridor upang makahanap sila muli ng bagong target.

GEEKMYTHOLOGY – mga studyanteng ihinalintulad sa libro ng mga griego. Sila ang hari ng IQ test at kabisado lahat ng 649 na pokemon. Pag nakakita ka sa hallway mapapa ZEUS! ka nalang as in ZEUS maryosep! Dahil sa itchura’t katawan nitong mala Adonis na naka “geeky glasses. “ Pero wag ismolin ang mga ito baka sya pa ang sumagot ng statistics assignment mo, o kaya magulat ka’t sya pala ay pangulo ng Honors’ Society o kaya ang Editor-in-Chief ng “The Malolos Academe”

JOWKLA - ang mga kwelang beki na clown ng isang klase. Hindi mawawala sa bawat section ang isang komikera na laging may dalang mga jokes at walang katapusang pang-ookray sa kanilang mga nakikita. Minsan hindi mo alam kung classroom o comedy bar ba ang napasukan mong klase sa sobrang kwela nila. Masarap silang kasama kapag maluha-luha ka na sa lungkot at lumbay pero andyan parin sila para paiyakin ka sa kakatawa.

WARLORDS – ang mga studyanteng pumasok upang maki-digma sa kanilang mga kaklase sa larangan ng DOTA. Mas madalas silang nasa “Home Base” (Computer Shop) kaysa sa kanilang mga klase. Kapag pumasok naman sila sa klase mas marami pa yung napag-usapan nila tungkol sa kanilang mga plano sa susunod na laro at sino-sino ang magkakampi, summary ng laro, at madalas mo rin maririnig sa kanila ang salitang “Bote-Crow, Roshan, at Jumong” at hindi nawawala sa kanilang usapan ang magiting na bayaning si “NEVERMORE”

Sigurado ako na isa sa kanila ay nakatagpo mo na. Malamang din na nakita mo ang sarili mo sa isa sa kanila. Kaya sigurado kami, na kung wala sila, walang buhay ang unibersidad.

Posted by The Malolos Academe on 9:45 AM. Filed under . You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0

0 (mga) komento for KA-KLASMATE

Leave comment

Recent Entries

Recent Comments

Photo Gallery


Designed by Solaranlagen | Customized for The Malolos Academe by J.D. Lim