Hindi madali ang buhay: iyan ang madalas na sinasabi ng mga nakakatanda sa atin. Kaya dapat raw na tayo ay makinig at matuto mula sa kanila. Sila ay dapat nating sundin dahil mas marami na silang pinagdaanan sa buhay kaysa sa atin.
Mag-aral tayo ng mabuti. Sumunod tayo sa ating mga magulang. Huwag magiging sakit ng ulo. Ang mga ito ay dapat nating gawin upang sabi nila, tayo ay maging matagumpay sa buhay. Dahil higit daw sa kanila, para sa atin din naman ito. Para daw sa oras na pumanaw sila, makakatindig tayo sa ating mga sariling paa at mayroon silang magandang kinabukasan na iiwan para sa atin.
Pero sa kabila nito, may mga tao na pumipili ng isang buhay na sa tingin ng iba’y walang patutunguhan. Sabi ng iba, isang buhay na napakamakasarili dahil tumataliwas sila sa kasalukuyang ayos at dikta ng lipunan.
Isang buhay na lubhang mahirap, minsan mapanganib, ngunit mulat nilang niyayakap ng buo. Sila ang mga taong inaalay ang kanilang buong panahon at buhay sa isang hangaring marangal na para sa ikabubuti ng lahat.
---
Isang magandang bukas daw ang kanilang ipinagpapalit. Nagsasayang lamang daw sila ng panahon dahil kahit kailan wala naman daw mangyayaring pagbabago sa lipunan. Itinatapon daw nila ang kanilang mga magagandang pangarap para sa kanilang mga sarili. Minsan, umaabot pa sa akusasyong kaya lamang nila ito ginagawa ay dahil sa kanilang kapusukan o sila daw ay nilinlang at binulag upang maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng iba.
---
Madalas na binabanggit sa mga kasama ko na kung mayroon man na higit na mahirap pagtagumpayan na laban, ito ay ang kung paano lalabanan ang isang dekadente at bulok na kulturang malalim na nakaugat at namamayani sa lipunan. Dahil higit sa pisikal na pakikipaglaban, napakahirap labanan ang isang isip na hinubog sa ilalim ng isang sistemang para lamang sa kapakinabangan ng iilan.
Kahit sa mga taong aktibong kumikilos sa lipunan, madalas na ang sarili nila ang kanilang pinakamahigpit na kalaban. Dahil sa ilang panahon din na lulong sila sa ganitong klaseng sistema, hindi maiiwasan na pana-panahon ay lilitaw ang mga dating gawi na nakakasagabal sa kanilang pagkilos.
---
Ang ganitong klaseng tunggalian ay higit na nagiging maigting sa mga taong buong panahon na kumikilos. Ang kanilang desisyon na tahakin ang ganitong buhay ay sumusubok sa mga prinsipyong pinanghahawakan nila sa buhay at katatagan bilang isang indibidwal sa harap ng iba’t ibang kontradiksyon na kanilang kinakaharap. Minsan, umaabot ito sa puntong nais na lamang nilang talikuran ang lahat, isuko ang laban at mga prinsipyo at bumalik sa isang “normal na buhay.”
Pero sabi nga nila, internal ang mapagpasya. Walang sinuman ang maaaring makapagdikta sa isang tao kung ano ba ang kanyang nararapat na gawin. Ang mga natutunann niya, nalalaman sa paligid o mga karanasan niya ay mga “external factors” lang. Siya pa rin ang maglalagom, magsusuri at magpapasya para sa kanyang sarili.
---
Sa kabila nito, laging walang kasiguraduhan. Hindi natin mabibigyan ng isang tiyak na kalagayan ang isang bagay dahil patuloy na umuunlad ito. Gaya nating mga tao, hindi natin masasabi na hanggang sa katapusan ng ating buhay ay mananatiling ganito pa rin ang ating mga pangarap, paniniwala o paninindigan.
Ganyan rin ang mga FT o full-time na kumikilos, hindi nila sinasabing hanggang sa dulo ay ganyan pa rin sila. Pero dahil sa mahigpit nilang pagtangan sa mga prinsipyo at malalim na pag-ugat sa masa at masidhing pagnanais na paglingkuran ang sambayanan, patuloy lamang sila sa pagkilos. Patuloy sila sa pagmumulat, pagpapakilos at pag-oorganisa. Walang pagod silang naglilingkod ng walang pag-iimbot o hinihingin kapalit. Sinasalag nila ang lahat ng klase ng atake mula sa isang lipunang pinaghaharian ng iilan at pinagsasamantalahan ang karamihan.
---
Kasama, tuloy lang. Darating ang panahon na mas lalawak ang ating hahanay at kikilos ang lahat upang makamit natin ng tuluyan ang isang mas malaya, progresibo at makataong lipunan.
by Jose Dennio Lim Jr.
Faculty and students joined hands in a university-wide outreach efforts to the victims of Typhoon Pedring and Quiel in Hagonoy and Calumpit.
Sa pangalawang isyu ng The Malolos A-cademe, ako’y humihingi ng pahintulot sa mga mambabasa ng aking column upang maipahayag ang aking sarili sa wikang Filipino. Matatandaan kasi na gumamit ako ng wikang Ingles para sa aking unang column ukol sa kahalagahan ng edukasyon sa nakaraang isyu. Hindi dahil tatlong buwan matapos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto subalit ginusto ko ito dahil may kinalaman ang ating paksa sa wika na aking ginamit.
Kamakailan lamang, ibinalita sa telebisyon, dyaryo, radyo at internet ang paghiling ni Senador Lito Lapid sa Senado na gamitin ang wikang Filipino sa debate hinggil sa Reproductive Health Bill. Ayon kay Lapid, hindi siya makakasabay sa pagtatalakay sa pagsulong ng nasabing batas dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi matatas ang pagsasalita niya sa wikang Ingles. Matatandaan na kasama ni Lapid sina Senador Pia Cayetano at Senador Miriam Defensor-Santiago sa nagpanukala ng RH Bill. Nag-aalangan siyang magsalita sa wikang Ingles lalo na’t parehas na nagtapos ng pagka-abogasya ang dalawang babaeng senador at madalas nilang gamitin ang wikang Ingles bilang paraan ng pakikipagtalastasan.
Hindi ito naituring na isang malaking balita sa paningin ng iba. Kahit na kontrobersyal ang pagsusulong ng RH Bill, hindi pa rin ito ang bida sa ating kwento. Pero kung titignan natin ng masinsinan, hindi ba’t inuukit sa kamalayan ng bawat Juan dela Cruz ang kahalagahan ng wika lalo na ang Filipino?
Ang akala kasi ng iba, kapag naka-rinig lang na nag-i-Ingles, lalo na ‘yung may “American twang” ang isang Pilipino o ibang banyaga, tiyak na itutugon, “Ang galing n’ya, napakatalino naman!”. Pero kung ang isang tao naman ay nagsalita ng Tagalog o iba pang diyalekto, malamang ay may magtataas na ng kilay sabay sambit, “Parang walang alam ‘yan, hindi marunong mag-English.” Marami kasi, idinadaan na lang sa pagsasalita ng wikang Ingles upang masabing magaling sila, pero ang totoo – wala namang laman.
Natatandaan ko nung sinabi ng aking guro sa Filipino sa ikalawang taon ng high school, walang superior (nakakataas) at inferior (nakakababa) na wika ang nanaig sa mundo, sa madaling salita ang antas ng lahat ng wika ay pantay-pantay. Sa madaling salita, kung ikaw ay lumaki na nagsasalita sa wikang Ingles at Filipino, hindi naglalamangan ang dalawa dahil parehas ang kanilang antas.
Kung kayo ang tatanungin, hindi ba natin siya papayagang magsalita nang hindi gumagamit ng Ingles sa debate kung may itutulong naman siya sa upang pag-usapan ang RH Bill? Hindi ba siya mamaliitin ng kanyang kapwa senador kung ang paggamit ng wikang Filipino sa Senado ay makatutulong upang magkaintindihan at maliwanagan ang bawat mambabatas sa kung papaano isasaayos ang nasabing batas? Hindi ba magiging sagabal ang pagsasalita ng matatas na wikang katutubo kung ito pala ang magiging solusyon sa problema ng paglobo ng populasyon ng Pilipinas?
Hindi ko kinakatwiran sa sanaysay na ito na dapat ibida natin nang husto ang Filipino samantalang kakalimutan na lang nating basta-basta ang pagsasalita sa wikang Ingles o ibang wika. Maganda nga na marami tayong alam na lengguwahe. Sa totoo lang, lamang nga tayo sa ibang bansa dahil nakakapagsalita tayo higit sa isang salita. Ngunit hindi ba’t masarap pakinggan na tayong mga Pilipino ay buong laya nating ninanamnam ang bawat salita sa katutubong wika? Hindi ba’t nakakatuwang pagmasdan ang mga walls at tweets ay nakasulat sa wikang naiintindihan ng lahat ng Pilipino?
“Ang wika ang nagbubuklod sa isang bansa dahil ito ang simbolo ng pagkakakilanlan ng bawat taong nakatira rito. Kung ang bawat tao’y nagkakaintindihan sa kanyang sariling wika, tiyak na magkakaisa ang buong bansa.
by Michael Ge-Ray Punzalan
Ano ba ang mayroon sa isang lider o pinuno upang sundin siya ng kanyang nasasakupan? Ano naman ang nakain ng lider na ito upang pagsilbihan at ialay ang kanyang payak na buhay para sa mga taong panay ang reklamo matapos siyang iboto dahil sa hindi niya mapunan ang kanilang makamundong pangangailangan?
Ang lider ay isang buhay na simbolo ng pagbabanat ng buto at pagkatuyo ng balat dahil sa pagpapawis ng hindi mabilang na patak ng pagsusumikap upang mai-angat ang kailangang iangat sa kanyang nasasakupan.
Isipin mo nalang si Winston Churchill – ang pinaka-impluwensyal na Briton sa balat ng Inglatera, na nanguna sa pagsalu-ngat kay Adolf Hitler na nagbigay inspirasyon sa buong Britanya. Ang ginawa ni Gandhi sa India na patungkol sa non-violence, at marami pang lider ang nagpauso ng kanilang kadakilaan sa pamumuno noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Sa makabagong mundo kung saan sangkalan na lamang ang hindi touch screen, ang mga tao ay nararapat lamang na itulak ang kanilang sarili upang malaman ang mga bagay na nangyayari sa kanilang kapaligiran. Ang responsibilidad ng isang lider ay ang hikayatin ang mga taong ito at pasunurin sa landas na makakabuti para sa kanila.
Walang tamang landas. Ngunit nasa kamay ng isang tao kung papaano ito itatama. Maaaring ang landas na iyon ay tama sa paningin mo at mali naman sa akin. At vice versa. Kaya iba’t iba ang klase ng lider. ‘Wag mong ikumpara ang sarili mo sa ibang lider na pinupuri lagi ng professor o hindi kaya ang mas nakakataas sa’yo dahil iba kang tao at iba rin s’ya. Gawin mo ang paraan na alam mo - at gagawin rin n’ya ang sa kanya.
Ngayon, iniisip mo na ba ang dapat mong gawin? Isa kang lider. Sa sarili mo. Sa mga kaibigan mo. Sa mga kaklase mo. Sa pamilya mo. Sa komunidad. Sa buong mundo. Kumilos kang mag-isa. Magsama ka ng isa pa kung hindi mo kaya. Magdagdag ka pa ng marami hanggang sa makabuo ka ng lakas at kumpyansa. Sa bandang huli ay masasabi mong isang kang lider.
Isa sa pinakadakilang abilidad ng isang lider ay ang abilidad na makabasa ng kultural at emosyonal na katangian ng kanyang nasasakupan. Marunong makipag-usap at may iisang salita.
Hindi ka maituturing na isang lider kung hindi ka matapang magsalita o sumulat nang ikakakunot ng noo ng mga nakakataas sa’yo. Ang isang lider ay hindi sumusunod sa daan na alam niya ay mali.
Hihikayatin mo sila hindi dahil sa gusto mong sumikat at hindi dahil sa trip mo lang. Hihikayatin mo sila dahil ito ang gusto mo - gusto mong mangyari sa bayan mo. Ituturo mo sa musmos mong mga anak sa hinaharap ang mga panganib na dulot ng kapaligiran, mga krimen, mga ilegal na gawain, hindi dahil gusto mo siyang maging drug lord, kundi dahil gusto mong iwasan n’ya ang mga gawaing iyon.
Sa simpleng panonood mo lamang ng TV ay nagiging lider ka sapagka’t nakikialam ka sa kung ano ang mga nangyayari ng bansa. Sa isang status mo lamang sa Facebook ay maaari mo nang malaman ang latest at maaari mong ipahiwatig ang gusto mong sabihin.
Ang pagiging lider ay hindi lamang nakukuha sa mga papuri at sa dami ng leadership awards. Hindi ka maituturing na lider dahil sa gusto mong magkamit ng sangkatutak na pekeng medalya’t sertipiko. Maituturing ka lamang na isang lider kung itinutuloy mo ang nasimulang gawain upang magkaroon ng pagbabago.
Ako ay isang lider. Alam kong ikaw rin. Simulan mo ngayon matapos mong basahin ang artikulong ito. Huwag kang makinig sa iba na nagsasabing hindi mo kaya. Sa pagkakaalam ko kasi - lider tayong lahat!
by Roseller Simbulan Jr.
Yaman din lamang ang paksa ng ating pahayagan ngayon ay hinggil sa “panlipunang kamulatan” o sa madaling sabi ay social awareness, dalawang uri ng tao lamang ang nanasok sa aking isipan…
“Mulat na BULAG at Bulag na MULAT”, Magkaiba ‘yon.
Maswerte ka kung nabibilang ka sa mga taong namumulat buhat sa pagkabulag; higit na kaiba sa mga taong namumulat sa pagkabulag.
Paano mo malalaman? Tumingin ka sa paligid, mulat ka ba?
Pagmumura. Alam naman ng tao na masamang magmura, pero mistulang naging tabas na ng bibig. Kung titingnan naman ang depinisyon, hindi naman ganung uri ng ina mayroon ka para sabihan ka ng ganoon, pero bakit tinatangkilik? Bukambibig. Bukambibig na nagmula sa pagkamulat sa kanluraning kultura. Son of a … ? what the … ? at kung anu-ano pang kinamulatang ekspresyon. Ang hirap sa tao, ang hilig makimulat sa nakagisnan pero bulag naman sa kahulugan.
Pagyoyosi. Mulat naman ang tao na ang paninigarilyo o yosi ay nakakasama sa kalusugan, maaring magkakanser, makaperwisyo ng kapwa, makarumi ng kalikasan, pero bakit patuloy pa ring ginagawa? Adiksyon ang katwiran? Oo, adiksyon na binunga ng pagkamulat sa kinagawian ng lipunan na “astig at pampatanggal ng inip” ang yosi, na naging katanggap-tanggap para sa ilan kaya pinamarisan. Ang masaklap, gusto mang itigil, hirap ng alisin sa sistema.
Plastic. Hindi naman lingid sa lahat na mapaminsala ang plastic sa kalikasan, kapaligiran, at maging sa lipunan. Hindi kasi madaling mabulok ang bagay na gawa sa plastic, para ring sa tao, hindi madaling mabuko. Kabi-kabilang kampanya na ang ginagawa mapatelibisyon o radyo, mapafast-food chain na walang straw, mapaasignaturang siyensya na sangkatutak ang inilulunsad na proyektong pangkalikasan para lang magpamulat ng NO TO PLASTIC CAMPAIGN. Mulat, pero sige pa rin sa pagtapon ng kalat kung saan-saan. Oo, me mga sumusunod at nagpapalaganap ng proyekto kontra plastic, pabalat-bunga pero pagtalikod, orocan. Kung sino pa namumuno, siya pa pasimuno.
Pre-marital. Hindi na rin panibago sa pananaw ng lipunan ang dumaraming bilang ng inflatable balloons. Masyado na kasing naging pangkaraniwan, mulat na kaya ayos lang. Hindi naman nagkulang ng paalala ang mga science books, mga magulang, guro, matitinong kamag-aral, pati pancit canton sa pagkondena ng gawaing ito pero hala, sige, “wala ng hintay-hintay”, kahit na isantabi ang responsibilidad, kapag nagustuhan, go go go! Nababawasan na nga ang moralidad, nakadaragdag pa ng mortalidad sa walang malay.
Passivity. Ito naman ang puno’t dulo ng lahat e. Mahilig kasi ang taong sumabay sa agos, kung ano ang uso, doon na lang makikiayon. Nauso ang maikling pananamit, siya namang tutularan, pagtapon ng kalat kung saan-saan, ganoon na lang din ang gagawin dahil wala naming nakakakita. Ang hirap kasi, ayaw kumilos ng naayon at may paninindigan sa sarili. Kung minsan naman aktibong kumilos, tapos biglang nauupos. Ang pagsasawalang-kibo o kilos ay nagtutulak sa pagkabulag. Hindi sapat na mamulat, sapagkat ang tao ay matagal ng mulat sa kamunduhan ngunit bulag sa pagbabago.Kahit libo-libong dokumentaryo pa ang gawin, kahit isiksik pa sa edukasyon ang pagmumulat, hindi malulunasan ang nakagisnang baluktot na pag-uugali sa lipunan kung magbubulag-bulagan lang sa mga kalagayang nakikita.
Mainam pa ang mga bulag sa karunungan, sa pag-unlad, sa edukasyong tinatamasa, sa mga may kapansanang inosente sa kamunduhang umiiral sa lipunan, kamalayan lamang ang nagpapabulag sa kanila. Samantalang ang mga mulat sa kalakaran ng lipunan, kamunduhan mismo ang bumulag sa kanilang kamalayan. Higit na kanser na mahirap ng lunasan.
Kaya’t katoto, imulat mo ang mata mo ng may paninindigan, saka ka sumagot sa akin ng tuwid, mulat ka bang bulag, o bulag kang nais nang mamulat?
ni Jarkie Miranda
CELAS Liberators and PDN Specialists dethroned defending champions CHM Travelers in basketball at the annual CEU Sportfest September 10, 2011 at the Centrodome.
The Liberators fought toe-to-toe against heavily favored and defending champions Travellers as early as the first canto of the championship match.
Renel Manalo of CELAS used his quickness in breaking into the tight defense of the Travelers, but his two early quick fouls stopped his team’s momentum.
R-Jay Ramirez picked up cudgel left by Manalo to keep the game within reach.
In the second quarter, long bomber Jarson Angeles of CHM took the game over by firing out two trifectas that kept the Liberators at bay.
To close out Ramirez, the Travelers put up bodies on him, making it difficult for the CE-LAS skywalker to score in half-court offensive plays.
CHM still controlled the third quarter by owning the boards courtesy of Marwin Santos.
The Liberators took advantage of missed shots from the outside by the Travelers by converting those turnovers into fastbreak points and high free throw shooting percentage in the fourth quarter.
CELAS since then never looked back as draftees and resident players played like a well-oiled machine orchestrated by point guard Miguel Manalaysay who would be the Most Valuable Player.
“It was an earned win talaga. It was a good game. Minsan kasi nasa character ng player na iyan, wala na sa strategy…” Mr. Banjo Serrano, coach of Travelers, said in an interview right after the game.
“Ang heart ng CELAS, talagang they wantedt to win…” Mr. Serrano added
“Ang instructions ko sa kanila, quick two lang. Kayang-kaya pa kasi marami pa sanang oras…” He continued.
CELAS won 92 – 85.
Meanwhile, PDN Lady Specialists convincingly won against College of Hospitality Management (CHM) Lady Travelers in their championship showdown.
The Specialists showed grim determination as early as the first quarter with their running game led by Naguit while Berdonado orchestrated the plays.
Zulueta, a streak shooter, finally connected from the three-point territory when the team needed it the most after poor showing in her first two games in the elimination round.
CHM had good looks and opportunities to score but they just couldn’t get it to go including their free throws
PDN capitalized on passing errors committed by CHM. Those unforced errors made in even more difficult for the Travelers to mount a rally.
Manansala, the 2011 MVP, started waxing hot to close the gap in the first half 16-20 in favor of the PDN.
Manansala, however, committed her third personal foul early in the second half with only three minutes gone by, which Berdonado took advantage of by eluding the defense thrown at her.
With only 1:23 left in the game, the Specialists leading by three 34-31, Garcia of CHM connected a hail Mary shot from the rainbow territory to tie the game at 34 all.
But Naguit had other things in mind and stole the ball only to increase break the tie from the free throw line after she was fouled.
Manansala, making her last attempt to retain the championship title, attacked the lane and got the foul that she wanted but failed to convert on her free throws.
Adding woes to their miseries, Fandinola fouled out in the ballgame that iced the game. PDN won 43-36 to get their first championship.
Meanwhile, the PDN emerged as the overall champion for this year’s Sportsfest.
by Mark Anthony Sarino
Senior Mass Communication students settled for bronze at the Ad Summit held at Librada Avelino Auditorium – CEU Manila October 1, 2011.
Malolos represented five advertising entries: Adage II, Ads on Us, Eyedea, Multay Media Solutions, and Wavelength.
Adage II was named first runner up (Best Product Display); second runner up (Battle Cry Competition); Finalist (Top Ten Radio Advertisements); first runner-up (Best Creative Director for Print Media); first-runner up (Best Agency Brochure Award); Best Logo Design and Rationale; and Best Agency Letterhead Award.
Meanwhile, Ads on Us settled for second runner up (Con TodoPakulo); third runner up (Best Product Display); Best Packaging Award; finalist in Top Ten TV Commercials, Top Ten Print Advertisements, and Top Ten Radio Advertisements; and second runner up (Best Radio Advertisement Award).
by Mark Anthony Sarino